Showbiz News

WATCH: Mahahalagang relic na may kinalaman kay Hesu Kristo, binisita ni Susan Enriquez

By Cara Emmeline Garcia

Bagamat tapos na ang Semana Santa, hindi pa rin pinalampas ni GMA News Anchor Susan Enriquez ang pagbisita sa Basilica di Santa Croce in Gerusalemme sa Rome, Italy.

Susan Enriquez

Dito makikita ang ilang mahahalagang relic na may kinalaman kay Hesu Kristo.

Sa loob ng Basilica di Santa Croce, makikita ang relic of the True Cross o mga ilang piraso ng kahoy na kinuha mula sa krus na pinasan at pinagpakuan kay Hesus.

Narito rin ilang piraso ng pako na ginamit sa pagpako kay Hesus at ang bahagi ng Titulus Crucis o INRI.

Ayon kay Susan, marami pang relics ang makikita sa Basilica di Santa Croce in Gerusalemme.

Aniya, “Maari itong bisitahin ng mga mananampalataya kahit hindi Semana Santa.”

Panuorin:

WATCH: Susan Enriquez, nakita ang incorrupt body ni Padre Pio

WATCH: Susan Enriquez, naiyak nang makita si Pope Francis sa Vatican