Showbiz News

ALAMIN: Ano ang dream role ni Barbie Forteza? 

By Cara Emmeline Garcia

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang uri ng karakter na nais niyang gampanan sakaling mabigyan siya ng bagong proyekto sa network.

Barbie Forteza

“Gusto kong maging serial killer,” saad ni Barbie sa GMANetwork.com.

"Eh kasi mahilig nga akong manuod ng mga ganun - mga crime, murder, mysteries ganyan! 'Yung mga CSI, pero gusto ko ako 'yung papatay. Very unusual din kasi siya sa Philippine TV o cinema.

“Isipin mo, plot twist. Ako 'yung [mukhang] good girl pero tumetegi ng mga bida.

“Gusto ko siyang i-try kasi parang masaya siyang gawin kasi nga palagi 'yung character ko 'yung inaapi, laging umiiyak at kawawa.

“Gusto ko naman na ako 'yung may upper hand,” paliwanag niya.

IN PHOTOS: Barbie Forteza's iconic teleserye characters

Ang hilig niya sa panonood ng crime drama series ang naging rason rin niya na kumuha ng kursong AB Psychology sa kolehiyo.

“Nasa first year college ng AB Psych pa lang ako, sa Laguna.

“Gusto ko sana criminology, kaya lang lampa kasi ako.

“Gusto ko kasi 'yung mga crime analysis pero ayaw ko ng training ng mga kapulisan dahil 'di ako qualified dun.

“So, psychology na lang para tinatackle din namin dun 'yung mga human behavior. Meron din naman Criminal Psychology, Forensic Psychology--basta anything to do with forensics, gusto ko.”

Bagaman wala pang planong bumalik sa pag-aaral si Barbie ay may plano naman raw itong tapusin ito.

“So far wala pa kong planong bumalik ngayong taon.

“Lalo na at nagkakagulo pa sila kung itutuloy pa nga ba ang K to 12 na 'yan.

“Malalaman din natin in the future and then let's cross the bridge when we get there.”

Sa ngayon, ineenjoy muna ng 21 anyos ang kaniyang bakasyon at tatampok siya bilang guest sa The Boobay and Tekla Show kasama si Jak Roberto ngayong Linggo, July 21.

WATCH: How well do Barbie Forteza and Jak Roberto know each other?

LOOK: Netizens laud Barbie Forteza's performance in 'Magpakailanman'