Showbiz News

WATCH: Sino-sino ang pangarap makatambal ng 'StarStruck' Final 4 hopefuls?

By Cara Emmeline Garcia

Patuloy na pinapatunayan nina Allen Ansay, Kim de Leon, Lexi Gonzales, at Shayne Sava na sila ang karapat-dapat na tanghaling Final 4 sa StarStruck season 7.

Kaya naman sa pagsabak nila sa final acting challenge, hindi nila mapigilang pag-usapan kung sino-sino ang gusto nilang makatambal pagkatapos ng reality artista search.

Kuwento ni Lexi, ang unang-una niya raw gustong maka-love team ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Sambit nito, “Crush ko po talaga siya since AlDub.”

Si Sahaya star Miguel Tanfelix naman ang gustong maka-parehas ni Shayne dahil sa galing nito sa pag-arte.

Para sa boys naman na sina Allen at Kim, sino kaya ang leading ladies nila?

Ani Allen, “Si Ms. Kyline [Alcantara] po, may mga iyakan at siyempre may pa-kilig rin po parang Koreanovela lang.”

Dagdag naman ni Kim, “Gusto ko sana si Ms. Heart [Evangelista] kasi ang ganda po niya at ang bait po niya.”

Abangan ang StarStruck Final Judgement mamaya, September 15, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko para malaman kung sino ang tatanghaling Ultimate Male at Female Survivors.

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:

StarStruck Final Judgement mapapanood na ngayong September 14 at 15

WATCH: Team Allen at Team Kim, ipaglalaban ang titulong 'StarStruck' season 7 Ultimate Male Survivor