Showbiz News

Dingdong Dantes at Rhian Ramos, ibinahagi ang mga eksenang 'di malilimutan sa 'Stairway to Heaven'

By Dianara Alegre

Dahil malapit na muling mapanood ang Philippine adaptation ng unang Koreanovelang ipinalabas sa Philippine TV, ang Stairway to Heaven, ibinahagi nina Primetime King Dingdong Dantes at Rhian Ramos ang mga eksenang hindi nila malilimutan sa karakter nila bilang sina Pocholo at Jodi.

“Hindi man mapapanood ang 'Descendants of the Sun' na gawang Koreano rin, ito isa na namang Korean remake, 'Stairway to Heaven.'

“Sana naibigan n'yo ito in the past, e, ma-appreciate nila ulit ito,” pahayag ni Dingdong sa eksklusibong panayam ng 24 Oras.


Inamin naman ni Rhian na isa ang Stairway to Heaven sa mga paborito niyang proyekto.

“Isa siya sa pinaka-memorable sa akin tsaka pinaka-challenging. Isa siya sa mga pinaka-favorite ko na project na nagawa ko.

“Ang masasabi ko lang, abangan nila 'yung necklace. Siguro pwede ko naman banggitin 'yung isang maliit na spoiler lang.

“Abangan nila 'yung mga eksena na may nakalimutan si Jodi, may naalala si Jodi,” aniya.


At kahit mahigit 10 taon na ang nakalipas mula nang ipinalabas ang serye, ipinahayag ni Rhian na tumatak na ito sa isipan ng viewers mapa-Filipino man o Korean.

“Makikita mo talaga 'yung popularity nu'ng kwento ng 'Staiway to Heaven.'

"Napaka-timeless niya talaga kahit 'yung mga nauuso na Koreanovela ngayon, tulad ng 'Crash Landing On You,' nababanggit 'yung kwento ng 'Stairway to Heaven,” dagdag pa niya.

GMA to re-air Pinoy adaptation of hit 2003 South Korean series 'Stairway To Heaven'

Samantala, ngayong ECQ ay abala rin si Rhian sa pagtulong sa mga frontliner, elderly at ilang pamilyang nangangailangan.

“Habang pahaba nang pahaba 'yung quarantine, mas dumami 'yung mga emails ko, 'yung mga humihingi ng tulong.

“Naisip ko na kahit paisa-isa lang, pwede ko silang padalhan ng tulong,” aniya.

Tampok din sa Pinoy version ng Stairway To Heaven sina Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Jean Garcia, Jestoni Alarcon, at Sandy Andolong.

Gayundin sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na gumanap bilang batang Jodi at batang Cholo.

Abangan ang Stairway To Heaven sa GMA simula May 18 sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang buong 24 Oras report: