Showbiz News

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, ipinagpapasalamat ang social media sa panahon ng COVID-19

By Marah Ruiz

Minsan nang ibinahagi ni Kapuso actress Janine Gutierrez na ipinagpapasalamat niya ang pagkakaroon ng sariling tahanan sa panahon ng COVID-19.

Bukod dito, thankful din daw siya na may social media na nakakapawi ng isolation na nararamdaman ng mga tao habang nasa enhanced community quarantine pa ang ilang bahagi ng bansa.

"I'm grateful for social media right now because it brings you together. Everyone who sends hearts or whatever words on Facebook (and) Twitter, thankful ako para doon," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Matatandaang mag-isa si Janine sa kanyang condominium unit ngayong quarantine.

Ang social media daw ang pangunahing paraan para makausap niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Everyone's group chat is like a safe place and everyone's doing mga quiz night (or) game night online so that's one thing that makes me happy," aniya.

Sa social media rin siya nakakalap ng mga donasyon para sa The Bright Side Project, isang COVID-19 fundraising na inulunsad niya kasama ang kanyang mga kapatid.

Alamin ang iba pang pinagpapasalamat ni Janine dito: