Showbiz News

Lovely Abella to hold a benefit auction for Tekla's son

By Dianara Alegre

Magdadaos ng benefit auction si Bubble Gang babe Lovely Abella para makalikom ng pondo para sa pagpapagamot ng newborn baby ng komedyante na si Tekla, Romeo Librada sa tunay na buhat. Gaganapin ito ngayong Sabado, July 4 simula 7:00 ng gabi.

Inaanyayahan ng aktres-comedienne ang publiko na manood ng kanyang live streaming kung saan niya isusubasta ang kanyang mga sariling gamit.

Ang lahat ng kikitain mula rito ay ibibigay niya kay Tekla na nagpapagamot sa anak niyang si baby Angelo na isinilang na may anorectal malformation o walang butas ang puwit.

“Simpleng tulong para kay baby Angelo. May gamit ka na, nakatulong ka pa. May luxury and branded pero lahat authentic,” inanunsiyo ni Lovely.

Bagong silang na anak ni Super Tekla, negatibo sa COVID-19

UPDATE: Bagong silang na anak ni Super Tekla, nasa ICU matapos ang unang operasyon

Ayon kay Tekla, sumailalim na sa unang operasyon o colostomy si baby Angelo noong June 26. Matagumpay ang operasyon ng baby Angelo at kasalukuyan itong nagpapalakas sa Philippine Children's Hospital sa Quezon City.

Malugod ding ibinalita ni Tekla kamakailan na negatibo sa COVID-19 ang anak. Tuluy-tuloy din ang natatanggap na tulong ng pamilya mula sa kanyang mga kasamahan sa industriya.