Showbiz News

Gil Cuerva, ano ang trabaho kung wala sa showbiz?

By Maine Aquino

Sa Kapuso Brigade Zoomustahan, ilang personal stories ang ibinahagi ni Gil Cuerva sa kanyang mga fans.

Isa sa mga ito ay ang posible niyang trabaho sakaling hindi niya tinuloy ang kanyang pag-aartista.



Ayon kay Gil, dahil sa kanyang pagkahilig sa sports ay nakikita niya ang sarili niya na related doon ang posible niyang trabaho.

"Mahilig kasi ako sa sports. If hindi siguro ako artista, siguro magiging sportscaster ako or sports journalist."

Sakaling hindi 'yun, ikinuwento rin ng Taste Buddies host na magtatrabaho siya sa kanilang family business.

"Kung hindi 'yun, my dad has a logistic business. Maybe that would be an option, to work for my dad. Pero ang hilig ko talaga ay sports. Especially basketball."

Naikuwento rin ni Gil sa kanyang Kapuso Brigade fans na minsan ay napapaisip rin siya kung tama bang pinasok niya ang showbiz. Inamin niya na ang mga sumusuporta sa kanya ang dahilan para pagbutihin ang kanyang showbiz career.

"It makes me feel like nasa tamang direksyon ako. Nasa tamang career. Because there are people rooting for me to do well. So maraming salamat talaga. Thank you for your usual support. I wouldn't have made it this far kung wala kayo."

EXCLUSIVE: Gil Cuerva reveals why he deleted his Instagram photos

EXCLUSIVE: Gil Cuerva talks about his mental health during the COVID-19 pandemic