Kilalanin ang ilan sa mga lalaking naging bahagi ng buhay ni 'Ika-6 Na Utos' star Sunshine Dizon sa loob at labas ng showbiz.
Si Polo Ravales ang naging love team partner ni Sunshine Dizon sa mga programang 'Anna KareNina' at 'T.G.I.S.' Naging magkarelasyon sila pero nauwi rin ito sa hiwalayan.
Nakasama naman ni Sunshine si KC Montero sa dating GMA mini-series na 'Umulan Man o Umaraw.'
Dalawang beses naman naging kapareha ni Sunshine si Cogie Domingo. Ito ay sa mga teleseryeng 'Ikaw Lang Ang Mamahalin' at 'Kung Mawawala Ka.'
Sa pagtatapos ng 'Bakekang,' ikinasal ang characters nina Sunshine bilang Bakekang at Victor Neri bilang Herman.
Si Luis Alandy ang naging katambal ni Sunshine sa 'Impostora.'
Nakatrabaho din ni Sunshine si Mark Anthony Fernandez sa 'Impostora' at pati na rin sa 'All About Eve.'
Naging malapit sina Sunshine at Alden Richards nang magkatrabaho sila sa 'Mundo Mo'y Akin.'
Isa pa sa mga nakasama ni Sunshine sa 'Mundo Mo'y Akin' ay si Gabby Eigenmann. Nagkatrabaho din sila ulit sa 'Pari 'Koy.'
Bukod sa pagiging co-star sa 'Anna KareNina' at 'Pari 'Koy,' malapit na kaibigan rin ni Sunshine si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa 'Villa Quintana' naman nakatrabaho ni Sunshine si Raymart Santiago.
Katulad ni Raymart, sa 'Villa Quintana' rin naging co-star ni Sunshine si Paolo Contis. Gumanap din silang mag-asawa sa 'Little Nanay.'
Naging mister ni Sunshine si Carlo Gonzales sa 'Pari 'Koy.'
Ikinasal si Sunshine sa pilotong si Timothy Tan noong March 20, 2010 at nagkaroon ng dalawang anak. Naghiwalay sila noong June 2015 dahil sa umano'y pangangaliwa ni Tim.
Si Antonio, o Tony Boy, ang bunsong anak ni Sunshine. Doreen naman ang pangalan ng kanyang panganay.
Kasama ngayon ni Sunshine sa 'Ika-6 Na Utos' si Mike Tan, na gumaganap bilang Angelo.
Si Gabby Concepcion ang nangaliwang asawa ni Sunshine sa 'Ika-6 Na Utos.'