Showbiz News

Vicky Morales, excited sa Halloween episode ng bagong 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Ang Fairy Godmother ng Bayan at host ng bagong 'Wish Ko Lang' na si Vicky Morales, lubos na nagpapasalamat sa mga Kapuso viewers dahil sa tuloy-tuloy na suportang ibinibigay nila sa iconic public affairs program.

Ang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales / Source: @WishKoLangGMA (FB)

“Gusto kong yakapin silang lahat! Many people credit the show for offering help and hope during this pandemic.

“But what not many people know is that even the Wish Ko Lang team has been tremendously helped by the viewers who patiently wait through the long commercial gaps to watch the show.

“Their unwavering support is like oxygen to our team as we try to breathe life into stories of survival and hope.”

Proud din si Vicky sa production team ng bagong 'Wish Ko Lang' dahil sa kanilang ipinapakitang husay at dedikasyon para mas lalong gumanda ang kanilang episodes.

“Ngayong panahon ng lockdown, marami sa atin ang nahumaling sa Netflix, Youtube, at mga Korean drama. At dahil dito, talagang umangat din ang standards ng viewers pagdating sa mga pinapanood natin.

“Knowing this, Wish Ko Lang has elevated its storytelling, reenactment segments, and overall production values para naman pwedeng makipagsabayan sa mga international offerings.”

Vicky Morales, bilib sa team ng bagong 'Wsih Ko Lang' / Source: @WishKoLangGMA (FB)

Ayon pa kay Vicky, kaabang-abang daw ang 'Sanib' episode ngayong Sabado dahil kakaiba ang hiling ng kanilang wisher.

“Kakaibang hiling ang natanggap ng aming team recently mula sa isang babae. Hindi siya humingi ng ayuda, hanapbuhay, o anumang materyal na bagay.

“Peace of mind lang daw ang inaasam niya. 'Di raw kasi siya mapakali dahil ayaw raw siyang tantanan ng isang kapreng matagal nang gumagambala sa kanya. Desperado na raw siyang makahanap ng pwedeng tumulong sa kanya sa kahit anong paraan.”

Dionne Monsanto at Sue Prado sa 'Sanib' episode /@WishKoLangGMA (FB)

Bukod pa sa kakaibang wish ay dapat din abangan ang kakaibang anyo ng kapre base sa salaysay ng wisher

“Malinaw sa isip niya ang hitsura nito kaya in-approximate ng aming prosthetics team ang anyo ng kapre base sa recollection ng babae lumapit sa amin.

“Taliwas sa nakasanayan nating imahe ng kapre, mala-Adonis umano ang nilalang na nangungulit sa kanya.”

Si John Vic de Guzman bilang kapre /@WishKoLangGMA (FB)

Ang bagong Kapuso artist at hothlete na si John Vic de Guzman ang gaganap bilang kapre sa 'Sanib' episode, habang si Dionne Monsanto naman ang gaganap bilang Riza, ang babaeng pag-aagawan ng kapre at dalawang lalaki.

Kasama rin sa episode ang 'Descendants of the Sun' star na si Prince Clemente, Kapuso actor na si Kristoffer Martin, at acclaimed character actress na si Sue Prado.

Sina Prince Clemente, Dionne Monsanto at Kristoffer Martin sa 'Sanib' episode / Source: @WishKoLangGMA (FB)

Dagdag pa ni Vicky, nakamamangha rin ang ganda ng kanilang mga location para sa kanyang spiels.

“Very instagrammable din ang lahat ng location na pinakuhanan namin ng spiels at pagsurprise sa aming mga wisher. Pinaganda ng husto ng aming direktor for 18 years na si Armin Collado at ng aming mahusay na staff.

“Siyempre the best parati ang gusto naming ibigay sa aming mga manonood para na rin 'di na sila kailangang lumabas ng bahay para malibang.

“Sa mga panahong ito, pinakaligtas pa rin ang manatili sa sariling tahanan kasama ang ating mga pamilya.”

Huwag palampasin ang 'Sanib' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

RELATED:

Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!

Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers