Showbiz News

Andrea Torres shares playful photos of her character in 'BetCin'

By Aimee Anoc

Sa nalalapit na premiere ng BetCin, ibinahagi ni Andrea Torres ang ilan sa mga larawang kuha mula sa karakter niyang si Cindy.

Sa Instagram, ipinakilala ni Andrea ang kuwela at masiyahing si Cindy Rodriguez.

"Cindy Rodriguez -- fun, playful, and unpredictable. Likes photography, books, fashion magazines, cooking, baking, candles, soap, astrology, personality tests, etc," pagbabahagi ni Andrea.

"Get to know her more and her other half, Beth, on October 15, 8 p.m on WeTVPhilippines!" dagdag niya.

Sa panibagong post, ipinakita ni Andrea ang iba niya pang mga larawan bilang si Cindy kung saan nakaputing crop top at skirt.

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng suporta sa karakter na ito ni Andrea.

"I think this is the first time na nakita kitang mag-wacky ng ganyan ateee, more please!" paghanga ni @micabuenaventura_.

"Rakistang Cindy," sulat ni @carloconstantino18.

"Yayyy!!! Can't wait to see Cindy," dagdag ni @andrealyciousph.

"One of the best actress in the new generation... keep it up Andrea!" pagbabahagi ni @laynesa_analisa.

"Loving the energy!" sulat ni @8milkshake.

Mapapanood na sa October 15 ang BetCin kung saan gaganap bilang lesbian couple sina Kylie Padilla at Andrea. Gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth.

Samantala, mapapanood si Andrea sa GMA Telebabad na Legal Wives, habang si Kylie naman sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter.

Tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: