Showbiz News

'KMJS' guest appearance ni Kuya Kim Atienza, nasa mahigit 4 million views na sa social media

By Dianne Mariano

Matapos ang special guest appearance ng bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza sa Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan, umani ito ng mahigit four million views sa social media.

Sa special episode na ito ng KMJS, nagkaroon ng one-on-one interview sina GMA News pillar Jessica Soho at ang “Kuya ng Bayan” tungkol sa buhay ng newest addition sa Kapuso Network.

Habang sinusulat ang istoryang ito, nasa 3.2 million views na ang episode na ito sa official Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho at 1.3 million views naman sa YouTube channel ng GMA Public Affairs.

Natuwa rin ang netizens sa pagsasama nina Kuya Kim at Jessica sa episode na ito at nagbahagi ng mga mabubuting mensahe para sa dalawang kilalang personalidad.

Sa naturang interview, naging emosyonal si Kuya Kim nang ibahagi ang mga pinagdaanan niya sa buhay.

Ilan sa mga kinuwento niya ay ang naging hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang misis, dalawang health challenges, at ang sinapit niya sa Manila Hotel kung saan siya'y nagulpi sa isang kudeta.

Ipinakita rin ni Kuya Kim kay Jessica ang kanyang napakagandang motorcycle collection, fossils, at antiques, pati ang alaga nitong albino reticulated python na si Albee.

Bukod dito, iba't ibang trivia rin tungkol sa “Oppa ng Kaalaman” ang natuklasan sa one-on-one interview na ito.

Isa na rito ay ang dubbing experience ni Kuya Kim dahil siya ang naging boses sa likod ng sikat na Japanese show na pinamagatang Ultraman.

Bata pa lamang si Kuya Kim ay pangarap na niyang makilala ng madla kaya iba't ibang klaseng trabaho sa TV ang pinasok nito at naging parte ng isang exercise show.

“My first break on television was RPN 9 Muscles in Motion at kasama ko si Anna Unson,” pagbahagi ni Kuya Kim.

Dahil sa nakatutuwang trivia na ito, nagkaroon din ng mini-aerobics session ang “Kuya ng Bayan” at ang award-winning broadcast journalist at nag-sample ng jumping jacks at kicks.

Panoorin ang buong one-on-one interview ng “Kuya ng Bayan” sa Kapuso Mo, Jessica Soho video sa ibaba.

Samantala, muling kilalanin si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito: