Showbiz News

Ken Chan, naranasan ang 'Quaranfling' kay Rita Daniela

By Aimee Anoc

Inilabas na kahapon ng GMA Music ang pinakabagong single ni Ken Chan, ang "Quaranfling."

Ayon kay Ken, ang "Quaranfling" ay isang love story na nabuo habang may pandemya.

Aniya, "Itong bagong single ko hindi lang ako ang naka-experience nito. Maraming tao ang naka-experience nitong 'Quaranfling.' I'm just very thankful and blessed that GMA Music nakaisip ng ganitong kagandang konsepto at kanta."

Isang post na ibinahagi ni Ken Chan (@akosikenchan)

Tulad ng bagong kanta, ibinahagi ni Ken na nakaranas din siya ng "quaranfling" at ito ay sa long-time on-screen partner niyang si Rita Daniela.

Kuwento ng aktor, "For me kasi kapag inisip ko 'yung word na 'fling,' ang pumapasok kaagad na word sa isip ko ay kilig. Kapag sinabing 'fling' mayroon akong kilig na nararamdaman. So, saan ba ako kinilig?

"Sa tingin ko 'yung thought na nakakasama ko si Rita before. Sa kalagitnaan ng pandemya, marami kaming ginawang mga proyekto like Huling Ulan sa Tag-Araw na pelikula namin na naging entry sa Metro Manila Film Festival. 'Yung teleserye namin na ginawa sa GMA-7, ang Ang Dalawang Ikaw. Lahat ng proyekto na ito ginawa namin during the pandemic."

Dagdag ni Ken, sa pelikula at teleseryeng ginawa nila ni Rita ay palagi silang sumasailalim sa quarantine.

"At sa kalagitnaan ng mga quarantine na ginawa namin siyempre kami 'yung nagkaka-message, kami 'yung nagkukumustahan, kami 'yung palaging nag-uusap. So, masasabi ko na that's a 'quaranfling,' 'di ba? Syempre, kasama na roon 'yung kilig, inspirasyon, saya. I believe na naranasan ko s'ya," pagbabahagi ng aktor.

Maaari nang mapakinggan at ma-download ang "Quaranfling" sa digital music platforms worldwide.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Ken bilang si Richard sa rom-com series na Mano Po Legacy: Her Big Boss kasama sina Bianca Umali at Kelvin Miranda.

Mas kilalanin pa si Kapuso artist Ken Chan sa gallery na ito: