Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay, kinilala bilang 'Most Promising Loveteam of the Year'

By Jimboy Napoles

Isang pagkilala ang muling natanggap ng Sparkle sweethearts at Luv is: Caught in His Arms lead stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang “Most Promising Loveteam of the Year” sa ginanap na Global Trends Business Leaders Awards 2023.

Sa isang Instagram story idinaan ni Sofia ang pasasalamat sa award na kanilang natanggap ni Allen. Makikita sa naturang IG story ang larawan ng trophy na iginawad para sa dalawa.

“Congrats to us, Aki. Thank you, Papa God,” sulat ni Sofia sa kanyang post.

Ayon pa sa aktres, alay niya ang pagkilalang ito sa kanilang fans ni Allen na kilala sa pangalang Team Jolly.

“Team Jolly para sa inyong lahat ito, we love you all,” mensahe ni Sofia.

Ibinahagi rin ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram ang mga larawan nina Sofia at Allen habang sweet na sweet na tinanggap ang kanilang award.

Samantala, patuloy na mapapanood sina Sofia at Allen bilang sina Florence at Nero sa kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms.

Kasama nila na nagpapakilig sa serye ay ang ilan sa Sparkada boys at next generation heartthrobs na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria at Sean Lucas.

Mapapanood din sa serye ang ilan sa Sparkada girls na sina Cheska Fausto, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.

Panoorin ang Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: