GMA Logo Pulang Araw
What's on TV

'Pulang Araw: Tinig ng Nakaraan' special marathon, mapapanood ngayong Linggo

By Jimboy Napoles
Published August 3, 2024 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

De Lima files bill to improve free Tertiary Education Law
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Pulang Araw


Balikan ang mga naganap sa pilot week ng 'Pulang Araw' ngayong Linggo sa GMA.

Mapapanood muli ang first five episodes sa pilot week ng hit GMA series na Pulang Araw sa isang special recap marathon na pinamagatang Pulang Araw: Tinig ng Nakaran, ngayong Linggo, 2:00 ng hapon pagkatapos ng All-Out Sundays.

Ang Pulang Araw ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo para sa kaniyang natatanging pagganap.

Sa ngayon, nananatiling trending topic sa social media ang Pulang Araw simula nang ipalabas ito sa GMA Prime at sa online streaming platform na Netflix.

Bukod sa production quality ng serye, pinag-usapan din ang mahusay na acting performance ng aktres na si Rhian Ramos na gumanap bilang si Filipina Dela Cruz na ina nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza).

Hot topic din ang pagganap ng child actors sa serye kabilang na ang gumanap bilang batang Adelina na si Cassy Lavarias. Marami ang napahanga sa ipinakitang galing sa drama ni Cassy at ang kaniyang malaking pagkakahawig sa bida ng serye na si Barbie.

Nagpapasalamat naman si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa kaniyang pagiging bahagi ng Pulang Araw. Gumanap si Julie Anne bilang si Katy Dela Cruz ang tinaguriang “Reyna ng Bodabil” noon.

Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

Huwag din palagpasin ang special marathon ng pilot week ng Pulang Araw ngayong Linggo sa Pulang Araw: Tinig ng Nakaraan, 2:00 p.m. sa GMA.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference