TV

'Abot Kamay Na Pangarap' stars, live na makikipagkwentuhan sa viewers at netizens

By EJ Chua

Live na live na makikisaya at makikipagkuwentuhan ang ilang Abot-Kamay Na Pangarap stars sa viewers at netizens ngayong Miyerkules, March 22, 2023, alas kwatro ng hapon.

Kabilang sa makikipagkulitan sa fans ng serye ay sina Andre Paras, Jillian Ward, Kazel Kinouchi, at Jeff Moses.

Sina Jillian at Kazel ay kasalukuyang napapanood sa serye bilang genius doctor at bully doctor na sina Analyn Santos at Zoey Tanyag.

Samantala, sina Andre at Jeff naman ay gumaganap sa mga karakter nina Doc Luke Antonio at Reagan Tibayan.

Pangungunanahan ng comedian-actor na si Betong Sumaya ang naturang online event na mapapanood sa official Facebook page ng GMA Network.

Para sa mga manonood, maaaring makipagkulitan at makapag tanong kina Andre, Jillian, Kazel, at Jeff sa pamamagitan ng pagko-comment sa Facebook page ng GMA Network.

Bukod sa apat na aktor, napapanood din sa hit GMA series sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Pinky Amador, Dominic Ochoa, Dexter Doria, Chuckie Dreyfus, Che Cosio, Leo Martinez, Eunice Lagusad, John Vic De Guzman, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG KULITAN MOMENTS NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP CAST SA GALLERY SA IBABA: