TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Bomber, humanga sa kabaitan ng batang doktor na si Analyn

By EJ Chua

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na may hashtag na #TamaSiAnalyn, natunghayan kung paano pinigilan ng pinakabatang doktor sa bansa, ang pagtakas ng bomber. Nang magsimulang maghinala si Analyn (Jillian Ward) na ang kanyang pasyente ang bomber sa San Marcelino General Hospital, sinubukan niyang kumbinsihin si Giselle (Dina Bonnevie) na tulungan siya sa paghuli rito.

Kahit na malakas ang kutob ni Analyn tungkol sa lalaki, hindi siya agad pinakinggan ni Giselle.

Sa halip, inisip nitong pinagti-tripan lang siya ng batang doktor.

Kasunod nito, si Analyn na mismo ang gumawa ng paraan para hindi makaalis sa ospital ang bomber na si Lando (Archie Alemania).

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang mga pulis at nahuli na nila ang lalaki.

Matapos nito, nalaman ni Giselle na may isa pang bomba na sasabog.

Nang malaman ito ni Analyn, siya na mismo ang kumausap kay Lando upang tanungin ito tungkol sa isa pang bomba.

Habang sila ay nag-uusap, hindi napigilan ng bomber na maluha dahil sa kabutihang ipinakita sa kanya ni Analyn, ibang-iba sa ugaling nakita niya sa CEO ng APEX na si Giselle.

Isa sa mga binanggit ng bomber kay Analyn, “Kung buhay pa ang anak ko, siguradong magiging idol ka nun.”

Bukod dito, ikinuwento ng bomber kay Analyn ang buong istorya kung bakit nagawa niyang pasabugin ang San Marcelino General Hospital.

Samantala, mapipigilan pa kaya nina Analyn at Giselle ang pagsabog ng isa pang bomba?

Panoorin ang eksenang ito:

Huwag palampasin ang patindi nang patinding mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: