TV

Endless Love: Ang pagtatanan nina Johnny at Jenny | Week 10

By Aimee Anoc

Sa ika-sampung linggo ng Endless Love, ipinaglaban na nina Johnny Dizon at Jenny Cruz (Dingdong Dantes at Marian Rivera) ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.

Pinili na ni Johnny na ipaglaban ang pagmamahal para kay Jenny kahit na marami ang masaktan sa gagawin nilang ito. Dahil sa pag-amin ng tunay na relasyon kay Jenny, hindi na natuloy ang kasal nina Johnny at Yumi (Bela Padilla).

Hindi naman tumigil si Andrew Tantoco (Dennis Trillo) sa paghahanap sa kinaroroonan nina Johnny at Jenny. Kahit na masakit para sa kanya na mas pinili ni Jenny si Johnny, buo pa rin ang kagustuhan nitong muling makasama si Jenny.

Naghanda ng maliit na sorpresa si Johnny para sa kaarawan ni Jenny. Dito na rin inalok ng kasal ni Johnny si Jenny. Kahit na may pag-aalinlangan, tinanggap ni Jenny ang alok na kasal ni Johnny.

Sa pag-uwi nina Jenny at Johnny sa kani-kanilang mga bahay, hinarap nila ang galit at pangaral ng kanilang pamilya. Sinabihan si Johnny ng tatay nito na humingi ng tawad kay Yumi dahil hindi nito tanggap ang relasyong namamagitan sa kanila ni Jenny.

Dahil sa sobrang pagmamahal, nakiusap si Andrew kay Johnny na ibalik na sa kanya si Jenny. Kahit na paulit-ulit na masaktan, handang gawin ni Andrew ang lahat para bumalik lamang sa kanya si Jenny.

Samantala, unti-unti nang nagpapakita ng sintomas ng pagkakaroon ng sakit si Jenny tulad ng pag-ubo at pagdugo ng ilong nito.

Ipinagtapat na rin ni Johnny sa kanyang pamilya na pakakasalan nito si Jenny. Tuluyan na ring tinapos ni Johnny ang relasyon nila ni Yumi. Binalaan naman ni Yumi si Johnny na magpapakamatay kung hindi siya ang pipiliin nito.

Samantala, humingi ng tawad ang tatay ni Johnny kay Jenny dahil sa desisyong pag-iwan nito sa huli noong bata pa ito. Humingi naman ito ng pangalawang pagkakataon kay Jenny at inalok ng planong paninirahan sa ibang bansa.

Dahil sa galit nang pag-iwan sa kanya ni Jenny, kinumpronta ni Andrew si Johnny at hindi naiwasang magkasuntukan silang dalawa.

Tuluyan na ring umalis sa resort si Jenny. Hindi naman pumayag si Andrew sa ginawa niyang ito at pinuntahan sa kanilang bahay para pakiusapan.

Wala na nga bang pag-asang magkabalikan sina Jenny at Andrew? Sino ang mas pipiliin ni Jenny, ang pamilya o si Johnny?

Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives.

Samantala, narito ang ilan pa sa mga bida ng Endless Love at kung ano ang kanilang ginagawa ngayon: