TV

Ashley Ortega, thankful sa mainit na suportang natatanggap ng 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc

Masaya at thankful si Ashley Ortega sa naging mainit na suporta ng manonood sa unang solo lead role niya sa Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice. Patunay rito ang matataas na ratings at trending episodes online.

Para kay Ashley, nakalulungkot man na magtatapos na ang Hearts On Ice pero "fulfilling" pa rin ito dahil naging successful ang serye, na dahil na rin sa suporta ng manonood.

"Syempre unang-una gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong tumutok sa Hearts On Ice mula umpisa. Kaya kapit lang po kayo hanggang sa finale week namin. Medyo nakakalungkot pero fulfilling pa rin dahil naging successful 'yung show namin because of you guys," pasasalamat ng aktres sa interview sa Kapuso ArtisTambayan.

Inalala rin ng aktres ang mga memorable niyang eksena bilang Ponggay sa Hearts On Ice.

Kuwento niya, "Actually lahat ng scenes ko with Ms. Amy [Austria] and Sir. Lito [Pimentel], especially 'yung mga scenes namin sa bubong, doon 'yung malalalim na usapan ni Ponggay, ni Tatay Ruben, ni Ms. Amy. Ang dami kasi ang gagaling talaga nila.

"Mayroong isa na hindi ko makakalimutan pero hindi ko pwedeng ikuwento kasi sa mga bandang last week pa aabangan, na talagang dalang-dala ako sa eksenang iyon hanggang sa pag-uwi ko umiiyak pa rin talaga ako.”

"At syempre 'yung isa rin sa akin is 'yung first taping day namin sa skating rink. 'Yung unang ginawa kong skating is 'yung sinayaw ko 'yung song ni Enzo (Xian Lim) na ginawa niya, iyon 'yung naka-yellow sweater ako na naka-turtle neck. So iyon 'yung unang taping day na nasa skating rink tapos nakita nila akong lahat na nag-skate," aniya.

Ayon sa aktres, marami pang dapat na abangan sa huling linggo ng Hearts On Ice.

"Abangan niyo po kung matutupad ba nila Ponggay at Enzo ang pangarap nila? Kung malalampasan ba nila 'yung hadlang sa relationship nila? Ano ang mangyayari kay Yvanna (Rita Avila) at Nanay Libay, kay Tatay Ruben at Tatay Gerald (Tonton Gutierrez), dalawa na ang aking tatay.

"At syempre 'yung mga pasabog na nakakaiyak, na hindi kayo makaka-move on sa eksena, 'yung mga nakakakilig, 'yung mga happy moments ng Hearts On Ice. So marami po kayong aabangan kaya tumutok po kayo sa last week ng Hearts On Ice," dagdag pa niya.

Patuloy na subaybayan ang huling walong gabi ng Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: