TV

Barbie Forteza on Jak Roberto's portrayal of Dante Gulapa: 'I'm so proud.'

By Aaron Brennt Eusebio

"Grabe! I'm so proud, sobrang saya."

Barbie Forteza

Ito ang sagot ni Kapuso actress at Kara Mia star Barbie Forteza nang tanungin ng GMANetwork.com kung ano ang naramdaman niya habang pinapanood ang kanyang nobyo na si Jak Roberto sa Magpakailanman kagabi, March 23.

Ginampanan ni Jak ang buhay ng 'Big Papa' ng social media na si Dante Gulapa.

'Magpakailanman' episode featuring Jak Roberto as Dante Gulapa trends online

#MyTurn: Sanya Lopez, nag-react sa pagiging macho dancer ni Jak Roberto

Dagdag ni Barbie, "Sobrang saya ko kasi nagawa niya nang maayos yung trabaho niya and nagpapasalamat din ako syempre kay Tatay Rado [Peru], ang kanyang direktor, dahil inalagaan siyang mabuti.

"Siyempre, medyo daring yung material pero hindi siya naging malaswa.

"May aral pa ring napulot doon sa episode na 'yon.

"Happy ako, happy ako."

Panoorin ang highlights ng Magpakailanman dito: