TV

Jak Roberto, nahirapan sa mga sayaw ni DJ Loonyo sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Ikinagulat daw ni Kapuso actor Jak Roberto na siya ang napili para gumanap na DJ Loonyo sa brand new episode ng real life drama antholoy na #MPK o Magpakailanman.

Hindi daw kasi siya ganoon kagaling sumayaw kaya nag-alinlangan siya kung mabibigyang buhay ba niya ng maayos ang kuwento ng buhay nito.

"Noong nag-briefing kami the day before, tinanong ko kung may mga sayaw po ba na gagawin para ngayong pa lang hingin ko na yung steps. Para pagdating sa set sasayawin ko na lang, pa-praktisin ko na overnight," kuwento ni Jak sa isang teleconference interview sa piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com.

Buti na lang daw, kasama naman sa episode ang ilang totoong clips mula sa viral dancer at choreographer.

"Ang ginawa nila, mas snippets ng clips ni DJ Loonyo. 'Yung mga umpisa niya, 'yun mga clips niya ipapakita din po doon sa storya ng buhay niya, as in 'yung siya mismo," paliwanag ni Jak.

Dahil tatalakayin ng episode ang buhay ni DJ Loonyo bago siya nakilala sa kanyang pagsasayaw online, iba't ibang mga sayaw mula sa iba't ibang mga taon daw ang makikita sa episode.

"Sa mga dances po, ang pinagawa lang po sa 'kin kunwari mga nagre-rehearsal. Nagsasayaw ako, nagtuturo ako kunwari sa mga ka-grupo ko. Mga 2/8 lang. Hindi siya 'yung kumplikadong sayaw. May timelapse siya eh. 2008, 2012, 2013. Iba iba kasi 'yung usong sayaw noon eh," aniya.

Tinulungan naman daw si Jak ng mga dancer na kasama nila sa set.

"Nagse-search lang kami. Ano bang usong sayaw noong 2012? Tapos 'yung mga dancer na kasama namin sa set, 'Ah ito yun.' Ituturo din sa akin noong dancer. On action, kunwari ako na 'yung natuturo," kuwento niya.



Si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa tunay na buhay ay isang dancer at choreographer na nag-viral sa kanyang mga dance tutorials sa TikTok noong quarantine.

Tampok ang kanyang talambuhay sa brand new episode na pinamagatang "Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story."

Tunghayan ito ngayong Sabado, July 18, 8:00 pm sa #MPK.