TV

David Licauco surprised by sudden public attention for his Fidel character in 'Maria Clara at Ibarra'

By Aimee Anoc

Isa si Fidel de los Reyes, na ginagampanan ni David Licauco, sa mga karakter sa Maria Clara at Ibarra na patuloy na kinagigiliwan ng mga manonood.

Hindi maitatangging marami ang natutuwa at kinikilig sa cute at sweet na loveteam na nabuo nila ni Barbie Forteza bilang sina Fidel at Klay, na tinawag ng fans na 'FiLay.'

Ayon kay David, hindi niya inaasahan na magiging viral din sa social media ang karakter niya sa serye.

"Prior to me playing the role of Fidel, hindi ko naman in-expect na 'yung role ko is magiging this hyped, this big on social media," sabi niya.

Dagdag ni David, "I really think hindi lang 'yun dahil sa akin but sa writers, sa directors, sa gumagawa ng buong screenplay, lahat e' so hindi lang talaga s'ya dahil sa akin."

Dahil sa pagiging hit ng serye at maging ng kanya karakter sa social media, aminado si David na nagkaroon din ito ng "impact" sa buhay niya.

Kuwento ng aktor, "To be honest with you medyo nahihirapan akong lumabas kasi dati kapag may nagpapa-picture pa-isa-isa lang. And then right now talagang medyo marami.

"First time ko s'yang ma-experience so medyo nakakagulat, nakaka-overwhelm. Grateful pa rin kasi again hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng opportunity na maging artista, what more na maging parte ng isang teleserye na tumatak sa buong Pilipinas."

Sa ngayon, ani ni David, marami pang dapat na abangan ang team Filay kina Fidel at Klay sa Maria Clara at Ibarra.

"Siguro like 'yung mga naipapakita ngayon medyo short scenes pa lang but the past few days ang dami na naming lines, ang dami na naming eksena together na I'm pretty sure lahat ng mga supporters ng 'Filay' ay talagang mae-excite and matutuwa. Sana abangan nila," sabi ni David.

Patuloy na subaybayan si David sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

MAS KILALANIN SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: