TV

Kris Kringle at tour sa Las Vegas, mapapanood sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

By Maine Aquino

May maagang Christmas bonding ang Legaspi family sa Sarap, Di Ba? Bahay Edition.

Ngayong November 21, may fun Christmas activity na ipakikita sina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi.

Mapupuno ng good vibes ang inyong Sabado ng umaga kasama ang Legaspi family dahil magkakaroon sila ng maagang Kris Kringle sa isa't isa.

Photo source: Sarap, Di Ba? Bahay Edition

May tour pa sa US dahil ang singer/actor na si Nar Cabico ay ipapasyal tayo sa Las Vegas.

Dapat rin panoorin ang episode na ito para sa chance manalo ng PhP5,000 sa "Sarap, 'Di Ba? 5k Giveaway!"

Abangan ang fun and exciting morning bonding na ito sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, 10:00 a.m. sa GMA Network.

Trending TikTok couple, fun exercise, and more sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

WATCH: Legaspi family, sinubukan ang Cookie Roulette Challenge