TV

Cholo discovers Jodi is blind in 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 61 ng Stairway To Heaven, ibinunyag na ni Tristan (TJ Trinidad) kay Cholo (Dingdong Dantes) na nabulag si Jodi (Rhian Ramos) dahil sa karamdaman nito.

Kahit na may iniindang sakit, nagkunwari si Jodi na maayos ang kanyang kalagayan para hindi siya intindihin ni Cholo.

Pinalabas din niya na maayos ang kanilang samahan ni Tristan para layuan na siya ni Cholo para mabalik ito sa dati niyang buhay.

Kahit ipinagtabuyan siya ni Jodi, nagpumilit si Cholo na aalagaan niya ang kanyang kababata dahil hindi nagbago ang kanyang pagmamahal dito.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Huling linggo na ng hit 2009 drama series kaya subaybayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang Prima Donnas sa Lunes, August 17.