Konteserang Cebuana, sa 'The Clash' na kaya masusungkit ang inaasam na panalo?
Bagamat kontesera, aminadong ninerbyos pa rin nang mag-audition sa third season ng The Clash ang 32-year-old na si Monique Delos Santos, taga Cebu.
"I sent a video and I actually don't have expectation 'cause like I said this is the nth time that I auditioned for a singing contest so I'm super sanay with this but I'm still nervous, of course," bahagi ni Monque sa kanyang vlog para sa The Clash Cam.
Kahit ilang beses nang sumali sa mga singing contest, suportado pa rin daw siya ng kanyang pamilya ang kanyang desisyong subukan ang kapalaran sa The Clash.
Saad niya, "My family po was super happy. They've seen what I've gone through for the last seventeen years joining a lot of singing competitions and DJ hunts so yeah. It's more of they are really happy for me but let's not get our hopes up."
Sa The Clash na kaya masusungkit ni Monique ang inaasam niyang panalo?
Subaybayan ang kanyang journey sa all-original Filipino singing competition simula October 3 na sa GMA-7.
Gaming video creator, susubukan ang kapalaran sa 'The Clash' Season 3
24-year-old palabang Clasher ng Cebu, gumawa ng paraan para makalipad papuntang Maynila
'The Clash' top 30 contestant, inilahad ang pinagdaanang pag-iingat kontra COVID-19