TV

EXCLUSIVE: Jo Berry, itinuturing na 'gift' si Alden Richards

By Marah Ruiz

Itinuturing ni Kapuso actress Jo Berry na "blessed" ang sarili matapos mapabilang sa cast ng upcoming GMA Telebabad series na The Gift.


Ito kasi ang follow-up project niya matapos ang matagumpay ng run ng pinagbidahan niyang primetime series na Onanay.

Bukod dito, makakatrabaho pa niya dito ang idolo niya na si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

"Sobrang ina-idolize ko siya hanggang ngayon.

"Siguro matagal pa bago mawala 'yung ganoong feeling. Natutuwa ako ngayon kasi totoong totoo na sobrang bait niya kahit sa personal.

"Nadadagdagan 'yung pag-idolo ko [sa kanya]. Pinipigil ko lang kasi baka maka-apekto sa mga eksena, pero natutuwa ako na sobrang bait niya," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Sa The Gift, gaganap si Jo bilang Strawberry ang adoptive mother ni Sep, na karakter naman ni Alden.

The Gift: Kilalanin si Strawberry | Teaser

"Broken siya tapos si Sep 'yung bumuo sa kanya.

"Siya 'yung nagpalambot. Siya 'yung nagpa-realize na 'yung buhay, maganda at makabuluhan kahit na na-hurt ka na before," paglalarawan niya sa kanyang karakter.

Gift daw para kay Strawberry ang anak-anakan si Sep, ganito rin daw ang tingin niya sa co-star na si Alden.

"Noong sinabi 'yung title, siya talaga 'yung kino-consider ko na 'gift.' Not just for the character--si Strawberry, gift niya si Sep. Si Jo Berry, gift niya din si Alden. Natupad 'yung wish ko na maka-work siya. Sobrang blessed ko," bahagi ni Jo.

Abangan ang pagganap ni Alden at Jo bilang mag-inang Sep at Strawberry sa world premiere ng The Gift, September 16 pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.


'The Gift' ni Alden Richards, trending ilang oras bago ang world premiere

Jo Berry, thankful sa suporta ng direktor at co-stars sa 'The Gift'