AlDub at Direk Mike Tuviera, pressured na maging box office hit ang 'Imagine You & Me?' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Maliban sa pag-aabang mismo sa pelikula, marami rin ang naghihintay kung magiging box office hit nga ba ang Imagine You & Me.

AlDub at Direk Mike Tuviera, pressured na maging box office hit ang 'Imagine You & Me?'

By CHERRY SUN

Maliban sa pag-aabang mismo sa pelikula, marami rin ang naghihintay kung magiging box office hit nga ba ang Imagine You & Me na pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Gayunpaman, pinabulaanan ng magkatambal at pati na ni Direk Mike Tuviera na hindi ito ang hangarin nila para sa kanilang proyekto.

Pag-amin ni Direk Mike,“’Yung pressure sa akin honestly is not box office, it’s more of quality. I hope I made the AlDub fans proud. I hope I made the three producers proud because APT, my father, GMA, tsaka MZet, they put their money where their mouths are, kumbaga.”

“So it’s not saying na just because it’s AlDub, automatic ano ‘yan. Kasi sinabi nga na kunan ko lang ng isang static two-shot ‘yung dalawa for two hours, papanoorin rin naman ng mga tao. No, we have to give something that is deserving of the phenomenon. So talagang pinagtrabahuhan talaga namin. We really wanted something that deserves to be the first AlDub-starring movie,” paliwanag niya.

Itinanggi din nina Alden at Maine na isang bilyon ang target gross nila sa kanilang pelikula. Para sa kanila ay bonus na lamang daw kung kumita ito ng malaki o mag-break ng records.

Ani Alden, “The mere fact po na nagawa namin ‘yung pelikula - sobrang dumaan po kami sa butas ng karayom sa paggawa nito, hindi po naging madali - it’s already a success for us.”

“And talagang objective lang naman natin is mapaligaya ‘yung mga taong sumusuporta sa atin from the very beginning. Isa nga ito sa anniversary gift natin sa kanila,” dagdag naman ni Maine.

MORE ON IMAGINE YOU & ME:

READ: Alden Richards at Maine Mendoza, mas mahuhusay nang artista sa pagtatapos ng Imagine You & Me ayon kay Direk Mike

READ: AlDub, dinaig ang Hollywood stars dahil sa fans?