Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na isang pulis at mangholdap sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Verbo, residente ng Bistekville 6 sa Fairview.

Sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB, naaresto si Verbo matapos mangholdap sa kanto ng EDSA at NIA Road.

May nakuhang patalim sa suspek na nakasuot pa ng bullcap ng pulis.

Isa ring motorsiklo ang gamit ng suspek na may sticker ng mga letrang QCPD o Quezon City Police District sa harapan.

Bukod sa kasong pagnanakaw, malamang din na kasuhan si Verbo ng usurpation of authority. β€”ALG, GMA News