Patay ang isang lalaki sa Pasay City matapos barilin ng dalawang nakamotorsiklong suspek, ayon sa ulat ni Vonne Aquino sa Unang Balita nitong Huwebes.

Selos ang itinuturong motibo sa pagpatay, na naganap noong Mayo 18 at nakunan pa ng CCTV.

Kinilala ang biktima na si Kerrlouie Hipps, na dead on the spot matapos tamaan ng bala sa ulo.

Makikita sa kuha ng isang CCTV video na hinabol pa ng mga residente ang mga suspek.

Kita rin sa CCTV na bumangga ang motor ng mga suspek sa isang tricycle dahilan upang iwan nila ito at mang-agaw ng isa pang motor.

Ayon sa kaanak ng biktima, posibleng selos ang motibo sa pamamaril.

"Wala naman po kasing atraso kapatid ko. Puwedeng selos po iyan," anang kapatid ni Hipps.

Narekober sa Aurora Boulevard ang motorsiklo ng mga suspek. Pinapa-verify na ito ng mga imbestigador sa Land Transportation Office para matukoy kung kanino ito nakarehistro. —KBK, GMA News