Arestado ang isang lalaki matapos saksakin umano ang isang babaeng pasahero sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon, parehong sakay ng jeep ang dalawa nang tinangkang hablutin ng lalaki ang bag ng babae pero nabigo siya, dahilan para saksakin niya ang biktima.

Naaresto kalaunan ang lalaki at nahaharap na ngayon sa reklamo. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag. —KBK, GMA Integrated News