Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos silang pagbabarilin habang nakikipaglamay sa Caloocan City, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes.

Na-hulicam naman ang pagtakas ng gunman na nakitang kaswal lang na naglalakad palayo sa pinangyarihan ng krimen. Nakasuot siya ng face mask.

Naganap ang insidente pasado 11 p.m. nitong Huwebes sa isang lamayan sa Bagong Barrio. Dead on the spot ang 29-taong gulang na si Crisanto Santiago at 17-taong gulang na si Jasper Esliza habang sugatan naman ang isa pa na isinugod sa ospital.

Pinagbabaril ang tatlo habang nagsusugal sa isang lamay.

Sugal ang nakikitang motibo sa krimen ng mga magulang ni Crisanto, na dati na raw nasaksak at nabaril pero nakaligtas.

Sugal rin ang tinitingnang anggulo ng pulisya. —KBK, GMA News