Dumami pa ang mga Pinoy na walang trabahong Filipino nitong Setyembre na umabot sa 4.25 milyon. Ito ang pinakamataas na unemployment rate sa bansa ngayong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.
Sa virtual press conference, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, na ang mga walang trabaho ay nasa edad 15 pataas.
Ang naturang unemployment rate ay umaabot sa 8.9%, pinakamataas mula mula noong Enero 2021.
Noong nakaraang Agosto, sinabi ni Mapa na 8.1% unemployment rate o 3.88 milyon na walang trabaho.
“These results were expected as many parts of the country remained under stringent and blanket quarantines for most of the survey period. In particular, the modified enhanced community quarantine was extended in the National Capital Region (NCR) up to September 15,” ayon sa pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.
“The higher unemployment rate, combined with the lower labor force participation rate, led to a net employment loss of 642,000,” dagdag ni Chua.
Ayon naman sa National Economic and Development Authority (NEDA), nagmula sa sektor ng agrikultura ang pinakamaraming trabaho na naapektuhan dahil na rin sa epekto ng bagyong "Jolina."
Nabawasan din ang employment rate sa 91.1% nitong Setyembre mula sa 91.9% na naitala noong Agosto.
Naging kapalit ng pagdami ng walang trabaho ang pagbaba sa kaso ng COVID-19 cases dahil sa ipinatupad na lockdown, ayon kay Chua.
“This strategy has been effective in bringing down cases from its peak in early September,” anang opisyal.
“Overall, the economy has generated 1.1 million employment above the pre-pandemic level. This signals the Philippines’ continuing recovery. We look forward to the expansion of the alert level and granular lockdown system to the whole country to recover more jobs and livelihoods,” dagdag ni Chua. — FRJ, GMA News