Bumuhat ng bagong karangalan para sa Pilipinas ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, matapos itanghal na world champion sa women's 55 kg event sa IWF World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.

Nanguna si Hidilyn sa clean and jerk makaraang buhatin ang 93 kg sa kaniyang second attempt at ibulsa ang unang gold medal. Sunod nito ang 114 kg sa first attempt upang makuha ang ikalawang gintong medalya.

Kabuuang 207 kg ang nabuhat ni Hidilyn, ang best record sa 10 kalahok para sa gold medals sa naturang weight class.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by IWF (@iwfnet)

 


Ang nakamit na mga medalya ay dagdag sa koleksiyon ng karangal na inialay ni Hidilyn sa bansa, kabilang na ang kauna-unahang gold mula sa Olympic (bukod sa silver), gold sa Asian Games gold, at mga gold medal mula sa Southeast Asian Games. — FRJ, GMA Integrated News