Nasawi ang isang motorcycle rider nang makasalpukan niya ang isang kotse sa Pasig City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabi ng Pasig Police na dumadaan ang puting kotse sa Ortigas Avenue nang makabanggaan nito ang motorsiklo na paliko sa kabilang direksyon.

Dead on the spot ang biktimang rider.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News