Viral ang nakatutuwang pagsundo ng isang bus sa mga aso na matiyagang naghihintay sa kanilang mga tahanan para sa kanilang "fur trip" sa Alaska, USA.

Sa ulat ni Oscar Oida sa "Saksi," mapapanood ang video ng pagsampa sa bus ng mga aso, na tila alam na kung saan ang kanilang pwesto.

@mo_mountain_mutts You guys asked to see the dogs getting on the bus #foryou #dogs #puppybus #alaska ? original sound - Mo_Mountain_Mutts

Bahagi ng dog-walking business ng mag-asawang Lee at Mo Thompson ang pagsundo sa mga aso, kung saan ipinapasyal nila ang mga ito araw-araw.

May mahigit 50 milyong views na sa TikTok ang good vibes na video ng kanilang bus rides. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News