Inararo ng isang trailer truck ang ilang sasakyan, kabilang ang tatlong SUVs, isang van, at dalawang motorsiklo sa Ortigas Avenue sa Pasig City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabi umano ng truck driver na si Melchor Cabale na habang bumibyahe siya napansin niyang hindi kumakagat ang preno ng truck.

Nang malapit na umano sa itersction, kinabig niya pakanan ang manibela upang iwasan sana ang mga motorsikolo sa harap.

Pero nahagip pa rin niya ang dalawang motorsiklo at pagkatapos ay bumangga siya sa tatlong SUVs at isang van.

Ayon sa ulat, nagtamo ng galos ang dalawang rider.

Nasa kustodiya ng Pasig Police si Cabale. —LBG, GMA Integrated News