Nabiktima ang isang delivery rider ng "pork delivery scam" sa Pasig City.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, tinatayang aabot 36 kilos ng pata ng baboy ang inabonohan ng rider.

Ayon umano sa biktima, nang maihatid niya karne, hindi na niya mahagilap ang nag-order.

Idinulog kaagad ng biktima sa tanggapan ng Eastern District Anti-Cybercrime Team (EDACT) ang insidente at nagmagandang-loob ang ilang mga pulis doon na bilhin ang karne, habang ang natitira ay pinagtulungan nilang ibenta.

Laking pasalamat naman ng rider sa tulong ng mga pulis. —LBG, GMA Integrated News