Na-evict na sina Ethan Banares at Calix Esguerra sa first eviction ng "Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0” nitong Sabado.

Batay sa mga resulta, nakakuha sina Ethan at Calix ng pinakamababang porsyento ng votes to save na may 28.7% at 1.6%, ayon sa pagkakabanggit.

Marked safe naman ang iba pang mga nominado na sina Primo Alterado, Mikee Quintos, Nicole Fortuna, at Nathan Garcia.

Sa mga unang nominasyon, nakatanggap si Calix ng 15 puntos para sa nominasyon, habang nakatanggap si Ethan ng 12 at nakatanggap si Primo ng 11 puntos. Nakakuha si Nicole ng tatlong puntos, nakakuha ng dalawa si Nathan, at nakakuha ng isang puntos si Mikee.

Nakatanggap din si Anthony Constantino ng isang puntos, pero tinawag si Raheel Bhyria para baliin ang tie kay Mikee at pinili niyang iligtas ang kaniyang kapwa aktor.

Ligtas sa nominasyon sina Raheel at Shea Valerio matapos manalo sa Ligtask challenge.

Nagsimula ang "PBB: Collab 3.0" noong Oktubre 24. Pumasok sa bagong PBB house ang 16 housemates, na binubuo ng mga kilalang personalidad, social media stars, at mga ordinaryong netizen.

Napanonood ito sa GMA Network mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:35 p.m., Sabado ng 6:15 p.m., at Linggo ng 4:45 p.m. —Jamil Santos/VBL GMA News