Pinatunayan ng Pinoy surfer na si Roger at Dutch national na si Lisa na walang pinipiling kulay at lahi ang pag-ibig. Pero papaano nga ba nagsimula ang kanilang pagmamahalan?

Ayon kina Roger at Lisa, nagulat na lang sila nang malaman na nag-viral ang kanilang mga larawan habang magkasama sa pamamasyal.

Pero nagsimula araw ang lahat nang minsang dumayo sa La Union ang exchange student na si Lisa para mag-surfing kasama ang kaibigan, at nakita si Roger na umahon mula sa dagat na may nakatutuwang ayos ng buhok.  

Panoorin ang ginawang pagtutok ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News