Ibinahagi ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel ang nakakatuwa niyang karanasan nang sumakay siya sa isang pampasaherong jeepney.

Sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita si R'Bonney na nakahawak sa bar habang nasa biyahe.

Ayon kay R'Bonney, kinabahan pa siya dahil walang seat belt sa jeep at hindi niya alam kung saan bababa, kaya tinanggap

niya na lang ang kaniyang kapalaran.

"I hit my head too," ayon sa kaniyang caption.

Naka-relate ang netizens sa post ng beauty queen.

Dumating si R'Bonney sa Pilipinas noong nakaraang buwan at inaasahang magtatagal sa Pilipinas dahil sa dami ng kaniyang gagawin.

Sinasanay na rin ni R’Bonney ang kaniyang pagsasalita ng Tagalog, at matutunan pa lalo ang kulturang Pinoy.

Patuloy ang kaniyang activities tulad ng modelling, hosting, at guesting.

Noong nakaraang taon, binisita rin ng Fil-Am beauty queen ang Brgy. 743 sa Malate, Maynila, ang lugar kung saan lumaki ang kaniyang ama.

 

 

—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News