Bago pa man matapos ang taon, inilabas na ng Kapuso Network ang mga primetime shows na dapat kaabangan sa 2019.

Sa trailer, makikitang muling magtatambal sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at makakasama si Migo Adecer para sa "Sahaya."

Istorya naman tungkol sa mga tricycle drivers at may adbokasiya sa tamang pagboto, nauna nang inanunsyo na magtatambal ding muli sina Ruru Madrid at Kylie Padilla para sa TODA One I Love. Makakasama nila si David Licauco.

Kakaibang istorya naman ang pagsasamahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa Kara Mia. —NB, GMA News