Isang makapagbagbag-damdaming tula ang isinulat ni Benjamin Alves para sa Valentine's Day na pinamagatang "Mga Nais Kong Sabihin Ngunit 'Di Ko Nasabi."

Tribute niya ito para sa kaniyang ina at yumaong ama, at ang kanilang pag-iibigan at lahat ng pinagsamahan.

Base sa mga linya ng tula, ito'y sinasabi ng isang taong pumanaw sa mundo at humihingi ng tawad sa kaniyang minamahal.

Siniguro naman niyang "okay" na siya, at hiniling sa minamahal na ipikit lamang ang mga mata, umiyak, at magdasal.

Sa huli, siniguro ng tumutula na lagi siyang nandiyan para sa minamahal.

Matatandaang pumanaw ang ama ni Benjamin Oktubre noong nakaraang taon. —Jamil Santos/LBG, GMA Gews