Lumipad papuntang Guam si Kapuso star Benjamin Alves matapos malamang pumanaw na ang kaniyang ama. 

Ayon sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing nagte-taping noon si Benjamin sa set ng "Kapag Nahati Ang Puso" nang mabalitaan ang pangyayari.

Dahil dito, nakansela ang taping at agad na dumiretso sa airport ang aktor para puntahan ang pamilya niya sa Guam.

Makikita ang pag-alala ni Benjamin sa kaniyang ama nang magpalit siya ng profile picture sa Facebook na kasama ito.

Wala pang detalye sa sanhi ng pagpanaw ng ama ni Benjamin. —Jamil Santos/LBG/FRJ, GMA News