Nakita ang Box Office Queen  na si Maine Mendoza sa alumni homecoming ng De La Salle-College of Saint Benilde, na kasama niya ang aktor na si Arjo Atayde.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing makikita sina Maine at Arjo na masayang nakikipag-kuwentuhan.

Nandoon din at nakisaya si Rita Daniela na isang digital filmmaking student doon. Kasama naman niya ang kaniyang "My Special Tatay" leading man na si Ken Chan.

Ayon sa ulat, nagkwento rin si Maine sa pamamasyal nila ni Arjo sa isang amusement park sa Pasay.

Na-meet na umano niya niya ang kapatid ni Arjo na si Ria.

"Mabait. Magkasama kami a few times and ayun... masaya kasi nakakasama ko rin sila," sabi ni Maines.

Patuloy niya, "Nagra-rides lang,  wala lang. Random lang, spontaneous day out." -- FRJ, GMA News