Maricel Soriano, 'nalilito' kung bakit siya ipinatawag ng komite sa Senado tungkol sa 'PDEA leaks'
MAYO 7, 2024, 3:55 PM GMT+0800
Dumalo ang aktres na si Maricel Soriano sa Senate committee on public order and dangerous drugs, dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya at ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr,. sa ilegal na droga base sa lumabas na confidential report umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na itinanggi naman ng mga kasalukuyang opisyal ng ahensiya.