Napili na ang apat na artista hopefuls na maglalaban-laban sa titulong Ultimate Male at Female Survivors ng "StarStruck" Season 7.

Matapos ilabas ang combined scores sa kanilang artista test, lumitaw na sina Shayne Sava at Lexi Gonzales ang dalawang babae na pasok sa finals, habang sina Kim de Leon at Allen Ansay ang magkaribal naman sa lalaki.

Sina Pamela Prinster at Abdul Raman ang nakakuha ng pinakamababang score at hindi nakapasok sa final 4.

Gaganapin sa darating na weekend ang live final judgment upang malaman na kung sino ang magiging Ultimate Female and Male Survivor.

Kabilang sa premyong makukuha ng mananalo ay management contract bilang isang Kapuso artist.-- FRJ, GMA News