Sa “Kapuso ArtisTakeover,” mas ipinakilala pa ni Barbie Forteza ang kaniyang sarili sa fans nang sagutin niya ang mga slambook questions tulad ng kaniyang favorite expression, embarrassing moment at "what is love?"

Samantala, inilahad din ng nobyo niyang si Jak Roberto ang ilan sa mga sikreto ni Barbie, kabilang ang mga kinaaayawan ng aktres.

Ayon kay Jak, ayaw ni Barbie ng nale-late, at mayroon pa itong ayaw na gawin kapag hindi niya oras ng trabaho. Alamin sa video na ito.

— Jamil Santos/MDM, GMA News