Ini-release na ang music video ni Kyline Alcantara para sa kaniyang latest single na "Isa, Dalawa, Tatlo."

Pretty at stylish si Kyline sa iba't iba niyang outfit sa music video, na sinamahan pa ng makulay na set-up ng mga cartoon at video game characters.

Tiyak ring mapapasabay sa pagsayaw ang fans sa galing ni Kyline sa paghataw ng kaniyang dance moves.

Inilabas ang video sa ilalim ng GMA Music.--Jamil Santos/FRJ, GMA News