Inihayag ni Barbie Forteza na layon niyang mahikayat ang mga tao na maging aktibo ngayong COVID-19 pandemic, kaya sinimulan niya ang kaniyang workout vlog.

"'Yun namang workout vlog ko, it took me a very long time to do that kasi although matagal ko na siyang gustong gawin, matagal ko na siyang gustong i-share, kaya lang medyo nahihiya nga kasi ako dahil like physically parang feeling ko wala pa akong karapatang mag-workout vlog," sabi ni Barbie sa panayam sa kaniya ng GMA Regional TV.

Mga dalawang linggo nang nagwo-workout at nagdidiyeta si Barbie kaya mas magaan na raw ang pakiramdam niya.

"I wanna share my workout routine with everyone. Ang hope ko kasi, maka-encourage rin ako ng supporters ko o kahit hindi ko supporters, kahit ibang tao, na maging productive rin every day," sabi ng Kapuso actress.

"Du'n sa mga nagsasabing tinatamad kayong mag-workout, hello, ako nga na pinakatamad na tao sa buong mundo andito ngayon sa harap niyo at nagwo-workout. So walang excuse excuse okay!" sabi naman ni Barbie sa kaniyang vlog. – Jamil Santos/RC, GMA News