Ibinalik ni Marian Rivera si Marimar sa kaniyang pagkasa sa Asoka Makeup Challenge sa TikTok.

Sa kaniyang post, mapapanood si Marian na ginagawa ang kaniyang makeup, habang sumasayaw sa theme ng iconic series.

“Bring you back to 2007 - Asoka style,” caption ni Marian.

Bago nito, nauna na siyang mag-post ng isang silhouette video ng isang babaeng nagsasayaw sa instrumental theme ng Marimar.

Matatandaang bumida sina Marian at asawa niyang si Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng Marimar sa GMA Network noong 2007. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News