Inilahad ni Kyline Alcantara na dahil sa sobra niyang pagkahilig sa makeup, siya na rin ang nagme-makeup sa ka-love team niyang si Mavy Legaspi sa "I Left My Heart in Sorsogon."

"Hilig ko pong makeup-an si Mavy, hilig ko po talaga siyang makeup-an ever since. Lagi kong kinu-curl 'yung lashes niya, nilalagyan ko ng mascara, nilalagyan ko siya ng blush on, nilalagyan ko siya ng foundation, nilalagyan ko siya ng lipstick," sabi ni Kyline sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.

"I'm very happy na go lang siya sa kung anong pangti-trip ko sa kaniya," pagpapatuloy ni Kyline.

Bukod sa makeup, trip din ni Kyline ang paggupit ng buhok.

Katunayan, napapayag ni Kyline ang kaniyang mga magulang na magpagupit sa kaniya bago siya umalis papuntang lock-in taping.

"Hindi ko po alam pero siguro meron lang akong ability na magpapayag ng mga tao. 'Can I style 'you ma?' ganiyan ang mga ginagawa ko. Siyempre kahit disappointed sila wala na po silang magagawa, nagupit ko na eh," anang Kapuso teen actress.

Nasa hotel quarantine na si Kyline para sa ikalawang lock-in taping ng "I Left My Heart in Sorsogon."

Inaasahan din daw ni Kyline ang muli nilang pagkikita ni Heart Evangelista.--Jamil Santos/FRJ, GMA News